Benjamin Vasquez Barcellano Jr: il Ginang Pilipinas omaggia le donne | Giornale dello Spettacolo
Top

Benjamin Vasquez Barcellano Jr: il Ginang Pilipinas omaggia le donne

In media partnership col Giornale dello Spettacolo, il primo concorso rivolto alle mamme filippine di Roma: Intervista all'attore Benjamin Vasquez Barcellano Jr.

Benjamin Vasquez Barcellano Jr: il Ginang Pilipinas omaggia le donne
Preroll

GdS Modifica articolo

1 Dicembre 2015 - 19.13


ATF
di Nicole Jallin

Domenica 6 dicembre 2015, il teatro Viganò ospiterà il “Grand Coronation Night of the Ginang Pilipinas – Italia 2015”, dove 14 madri capitoline provenienti dalle Filippine sfileranno in diverse mise – dall’abbigliamento sportivo all’eleganza della sera -, e si sfideranno in “prove” di abilità a colpi di canto, danza e sketch.

Il Giornale dello Spettacolo partecipa con il premio speciale “Giornale dello Spettacolo – Globalist”, che sarà consegnato direttamente da Piero Montanari alla vincitrice del concorso on line ([url”CLICCA QUI PER VOTARE”]http://giornaledellospettacolo.globalist.es/Detail_News_Display?ID=86595&typeb=0&vota-la-regina-del-ginang-pilipinas–italia-2015[/url]). Curatore e ideatore della manifestazione l’attore filippino Benjamin Vasquez Barcellano Jr, che racconta l’importanza di valorizzare ogni concorrente indipendentemente dalle caratteristiche fisiche: «Con questo show voglio omaggiare le donne e le madri».

Quando e come nasce questo progetto e che cosa vedremo in questa edizione 2015?

Ricordo che al debutto nel 2013 del “Batang Idol”, il talent da me diretto dedicato ai bambini, la mamma di un concorrente mi chiese se esisteva un concorso simile anche per loro, per le mamme. Io e Alona Cochon, coordinatrice e co-fondatrice del concorso, abbiamo preso seriamente la proposta iniziando a progettare, col supporto di Evelyn Reyes e Pol Reyes di PhilCargo, e William Binasa di Rebi Event Organizer, il primo spettacolo per madri filippine in Italia. Volevamo rappresentare la maternità, la femminilità, l’identità filippina, e l’importanza di essere lavoratrici migranti, o “lavoratrici filippine all’estero”, come si dice nelle Filippine. Perciò doveva essere un concorso aperto a tutte le mamme filippine di Roma e dell’Italia intera dai 25 ai 100 anni, senza discriminazioni fisiche o di status civile: l’importante è avere il coraggio di stare sul palcoscenico e di esibirsi davanti al pubblico. E volevamo fosse un’iniziativa anche benefica – infatti destiniamo parte del ricavato a bisognose organizzazioni nelle Filippine – pertanto ringraziamo sempre gli sponsor e privati che ogni anno ci sostengono.

Così, lo stesso anno all’Auditorium Antonianum di Roma iniziava l’inaugurale “Ginang Pilipinas – Italia” con 19 candidate e tanto colore. Un grande successo. Ammetto il mio orgoglio nel vedere queste mamme sul palco che si divertono mettendo liberamente in mostra la loro personalità: perché non è mai troppo tardi per diventare regine di bellezza e qui è possibile. Non è mai troppo tardi: né per l’età, né per l’aspetto fisico, né perché non si raggiungono quei canoni di “perfezione” richiesta dai concorsi di bellezza.
Rispetto alle novità di questa edizione dirò che abbiamo aggiunto la categoria di costume “Eco-friendly” mentre è stata eliminata la “Regional Costume”, relativa ai costumi tipici delle regioni filippine. Perché? Volevamo fare qualcosa di nuovo, dare importanza agli abiti creati con materiali di riciclo, il che richiede creatività e originalità, filippina ovviamente, a scapito dell’idea che solo spendendo più soldi si possa avere il costume più bello. Questo varrà il premio per la “miglior creazione”, ma il titolo finale verrà consegnato tenendo conto di come ogni concorrente complessivamente si presenta e si esibisce davanti al pubblico italiano e filippino durante la serata.

Come selezionate le partecipanti, quali sono le varie fasi del concorso e quali i premi?

Nella prima fase le candidate devono sfilare in diversi costumi (“Eco-friendly”, sportivi, talent, e abito da sera). Segue la fase “domanda e risposta” per le 10 semifinaliste e una terza con le 6 migliori per la seconda parte di “domanda e risposta” che assegnerà dal quinto al primo posto (alle quali vengono consegnati trofei, fasce, fiori, articoli da regalo) e il titolo di “Ginang Pilipinas Italia 2015”, cui spetta un biglietto andata/ritorno per le Filippine.

Oltre al “Ginang Pilipinas”, lei è anche curatore di un talent per bambini, il “Batang Idol”, e di altri eventi/spettacoli. Cosa l’ha spinta a ideare questi concorsi “di categoria”?

L’idea del “Batang Idol” è nata insieme all’amico e collega Jeffrey Jordan che mi aveva proposto uno show per bambini che valorizzasse le loro capacità. Uno show di bambini e per bambini; un talent incentrato sul mondo infantile in generale e in particolare sull’essere bambino filippino in Italia, sulla sua condizione di vita in un paese straniero. Ho creato una bozza progettuale appena mi è stato chiesto di dirigerlo pensando a un concorso aperto a tutti i bimbi tra i 5 e i 13 anni con un’audizione iniziale, un training di canto danza, ecc. e, infine, un’esibizione collettiva sul palco: una felice esperienza da passare tra famiglie e coetanei. Poi, devo aggiungere, che anche io in quanto straniero devo fare i conti con molte limitazioni, ma il messaggio che voglio dare, soprattutto ai più piccoli, è prendere ogni occasione come sfida per migliorare se stessi e oltrepassare i propri limiti, imparando sempre cose nuove e mettendoci sempre il massimo impegno.

Qual è la risposta in termini di partecipazione del pubblico romano, oltre che filippino?

Abbiamo un pubblico prevalentemente filippino ma anche gli spettatori italiani dimostrano curiosità e soddisfazione. Ricordo di uno spettatore romano che si commosse alla prima edizione del “Ginang Pilipinas” ascoltando la drammatica storia di una concorrente che raccontava come si vive lontano dal proprio paese e dalle proprie origini: una situazione comune a tutti i migranti. Spero possano partecipare sempre più spettatori italiani a questi eventi, sarebbe una bellissima occasione di conoscenza e condivisione culturale.

Lei ha anche un passato da attore e recentemente presente nel corto “A tutto tondo” diretto da Andrea Bosca, e nella web serie “Welcome in Italy”. Che esperienze sono state e che rapporto ha con il cinema?

Provengo da un gruppo teatrale di Manila, il Philippine Educational Theatre Association & Actors Workshop Foundation, e nel mio paese ho lavorato in teatro, televisione e cinema. Sognavo di poterlo fare anche qui e direi che le mie preghiere sono state ascoltate perché ho realizzato “A tutto tondo” diretto e interpretato da Andrea Bosca, progetto realizzato insieme al Pyramid Entertainment Productions, con l’obiettivo di raccogliere fondi per i bambini e comunità di Smokey Mountain a Tondo di Manila. Andrea e altri organizzatori hanno visitato anni fa la città per il primo Movie Mov Film Festival, poi ci siamo rivisti a Roma e mi ha parlato del film. Il corto è stato presentato al Movie Mov Italian Film festival di Manila, al Rome International Film Festival e altri festival, aggiudicandosi anche il premio miglior corto al festival Napoli Cultural Classic 2015, mentre io ho vinto il premio come miglior attore non protagonista, e ne vado fiero poiché si tratta di integrazione, umanità e amicizia solidale: tutto nato dall’incontro tra due culture.
La web serie “Welcome in Italy”, invece, diretto da Terry Paternoster è stata un’altra importante prova per me come attore e uomo perché coinvolge tante nazionalità (Sud America, Iran, Palestina, Eritrea, Ucraina, Filippine e Italia). Un cast con sette attori di sette paesi per un prodotto web che parla di una comunità di migranti che vivono insieme, ognuno con la propria storia, le proprie sofferenze e ambizioni, proponendo l’integrazione come la possibilità per culture, religioni e stili di vita diversi di convivere insieme rispettando le diversità di tutti.

Quali sono i prossimi eventi/progetti?

Dopo questa edizione del “Ginang Pilipinas Italia 2015” prenderò una pausa per ricaricare le energie, sperando però di partecipare presto ad altre produzioni cinematografiche, televisive e teatrali. Nonostante abbia da poco terminato il lavoro sui set sento già la nostalgia della recitazione.


Benjamin Vasquez Barcellano Jr. / Ginang Pilipinas : Parangal para sa mga Kababaihan[/size=3]

Sa tulong at pakikipag-ugnayan ng Giornale Delle Spettacolo, ang unang patimpalak na alay sa mga “Ginang na Pinay” sa Roma : Isang panayam sa aktor na si Benjamin Vasquez Barcellano Jr.[/size=2]

Nicole Jallin

Linggo, ika-6 ng Disyembre 2015, ang Teatro Vigano ang magiging saksi sa “Grand Coronation Night of the Ginang Pilipinas-Italia 2015”, kung saan ang 14 na “Ginang” na naninirahan sa Roma, at galing sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas ay magtutunggali ng kanilang gilas sa paglakad, simula sa kasuotang pang-sports hanggang sa sosyal na “evening wear”, at sa pagpapakita ng kanilang abilidad sa pag-awit, pag-sayaw o sa pag-arte.

Ang “Giornale Dello Spettacolo” may makikibahagi sa paligsahan at magbibigay ng isang premyong espesyal na tinaguriang: “Giornale Dello Spettacolo – Globalist”, at iaabot mismo ni G. Piero Montanari sa magwawagi sa botohan“ on line”. Ang diwa at pangangasiwa ng buong proyekto ay nasa mga kamay ng aktor na si Benjamin Vasquez Barcellano Jr., na naniniwala sa kahalagahan na mabigyang pansin ang bawat “Ginang”, ano mang katangiang-pisikal mayroon ang bawat kandidata: “sa palabas na ito nais kong parangalan ang Kababaihan at ang pagiging “Ina”.

Kailan at paano nabuo ang proyektong ito at ano ang aming masasaksihan sa edisyong 2015?

Noong taong 2013 isinagawa ang “Batang Idol”, isang “talent-show” na aking pinangunahan at alay sa mga kabataan. Maraming magulang (Ina)ang nagtanong kung mayroon ding isang paligsahan na alay naman para sa kanila. Ako at si Alona Ochon, isa sa nagtatag at nagtaguyod ay nag-desisyon na simulan ang proyekto sa tulong ni G. Pol Reyes at Gng. Evelyn Reyes ng Phil-Cargo at G. William Binasa ng Rebi Event Organizer, ang unang palatuntunan na alay sa mga “Inang Pilipina” sa Italia. Nais naming bigyan pansin ang pagiging isang ina (Maternità), ang mga katangian ng isang babae (femminilità), ang kahulugan ng pagiging isang Pilipina, at ang kahalagahan ng pagiging isang manggagawang migrante o OFW kung paano natin tawagin sa Pilipinas. Dahil, sa mga nabanggit na layunin, ang paligsahan ay bukas para sa lahat ng “Inang Pilipina” sa Roma at sa buong Italia, mula sa edad na 25-100, ano mang pangangatawan o “civil status” mayroon ang gustong sumali, ang mahalaga ay ang magkaroon ng lakas ng loob na humarap at mag-pakita ng galing sa entablado. Isa sa adhikain ay ang makatulong sa mga nangangailangang asosasyon sa Pilipinas, isang malaking pasasalamat sa mga tagapagtaguyod ( business /personal sponsors ) na sa bawat taon ay handang tumulong.

Bago matapos ang nasabing taon, isinagawa sa Auditorium Antonianum di Roma ang kauna-unahan at makulay na edisyon ng “Ginang-Pilipinas Italia” na sinalihan ng 19 na kandidata. Isang malaking tagumpay!

Tuwa at pagmamalaki ang aking naramdaman ng masilayan ko sa entablado kung paano nagsaya at nagpakita ng kanila-kanilang kakayahan at pagkatao (personality) ang bawat kandidata: hindi pa huli ang lahat para sa isang “ginang” na maging isang reyna ng kagandahan ( beauty queen), at sa proyektong ito, lahat ay pwedeng matupad. Wala ito sa edad , sa uri ng pangangatawan o sa batayan ng kagandahan ng ibang patimpalak.

Sa taong ito, may isang panibagong karagdagan at ito ay kategorya ng “Eco-Friendly”, inalis na ang “Regional Costume”, o ang mga kasuotan ng iba’t-ibang rehiyon ng Pilipinas. Ano ang dahilan?

Ito ay ang panibagong paraan upang maipakita ang mga kasuotan na gawa sa mga gamit na “recycled” o hindi na kailangan, dito lalabas ang kagalingan at ang pagiging orihinal, dapat ay may-ispirasyong Pilipino, at bukod sa lahat, ang mananalo ay hindi dipende sa perang nagastos sa paggawa ng nasabing kasuotan.
Ang premyo ng “Best Creation” ay pipiliin kung paano ipakita at ipakilala ng bawat kandidata ang nasabing kasuotan sa harap ng manonood na Pilipino at Italiano.

Paano pinipili ang mga kalahok, ang mga pamamaraan (technicalities) at ano ang mga premyo sa patimpalak na ito?

Sa unang bahagi makikita ang mga kandidata sa iba’t-ibang kasuotan ( “Eco-Friendly”, sports wear, talent at evening wear). Ang pangalawang bahagi ay ang pagpili ng Top 10“ kung saan makikita ang mga kandidata sa pagsagot ng mga katanungan (Question & Answer) at ang ikatlong bahagi ay ang pagpili ng Top 6. Matapos makatanggap ng pangalawang “round” ng katanungan, doon pipiliin ang 1-5 “ runners-up” na tatanggap ng trophy, “sash”, bulaklak at iba pang regalo at ang pinaka-mimithing premyo na “Ginang Pilipinas Italia 2015” ay mananalo ng “Round-Trip Plane Ticket to the Philippines”

Bukod sa “Ginang Pilipinas”, ikaw din ang lumikha ng isang talent show para sa mga bata, ang “Batang Idol” ; at iba pang proyekto at patimpalak. Ano ang nagtulak sa iyo upang itaguyod ang ganitong uri ng paligsahan?

Ang”Batang Idol” ay nabuo kasama ng aking kaibigan na si Jeffrey Jordan na humikayat sa akin upang mabigyang pansin ang kakayahan ng bawat bata. Isang proyekto ng mga bata para sa mga bata; ang tinutumbok ng proyekto ay ang pangkalahatang daigdig ng kabataan , isang malaking pansin sa situwasyon , pamumuhay at ang pagiging isang batang “banyaga” / Pilipino sa Italia. Gumawa ako ng isang pansamantalang-plano ng proyekto ng malaman ko na ako ang mamamahala ng “talent show”, ito ay bukas para sa mga batang may edad na 5-13 na sisimulan ng isang “initial audition”, ang susunod ay ang pagsasanay sa pag-awit, pag-sayaw at sa iba pang larangan ng sining at matatapos sa isang panlahatang palabas sa entablado : isang magandang karanasan kasama ang buong pamilya at mga kasing-edad na kabataan.

Nais kong banggitin, na ako bilang isa ring banyaga sa Italia, hindi lihim sa akin ang nakaparaming limitasyon, subalit ang aking mensahe lalo na sa mga nakababata ay ang tanggapin ang bawat pagsubok at pagkakataon upang mapaunlad ang pagkatao ng bawat isa, makagawa ng isang bagay na higit sa pangkaraniwang kakayahan , matuto ng mga bagong kaalaman at ibigay ang lahat ng makakaya sa bawat bagay na gagawin.

Gaano ang pagtanggap, in terms of participation, ng mga Italiano sa Roma bukod sa mga Pilipino sa nasabing proyekto?

Karamihan sa mga manonood ay pawang mga Pilipino subalit nagpapakita rin ng interes ang mga Italiano.
Bumalik sa aking ala-ala noong unang edisyon ng “Ginang” ng makita ko ang isang manonood na Romano na napaiyak ng marinig niya ang kasaysayan ng isang kandidata na naglahad ng kanyang kasaysayan, kung ano ang nararamdaman kapag namuhay ng malayo sa sariling bayan at pamilya: isang situwasyon na pangkaraniwan sa bawat migrante. Sana ay mas maraming Italiano ang makasaksi sa ganitong proyekto upang maragdagan ang kanilang kaalaman lalo na sa kulturang Pilipino.

Bahagi ng inyong nakaraan ay ang pagiging isang aktor at kailan lamang ay napasama kayo sa isang “short film” na may pamagat na “A Tutto Tondo” , na pinangasiwaan ni Andrea Bosca, at sa “Web Series” na Welcome to Italy. Ano ang inyong mga karanasan habang ginagawa ang mga nasabing proyekto at ano ang inyong ”personal rapport” sa mundo ng pelikula?

Ako ay nagmula sa isang “theater group” sa Maynila, ang Philippine Educational Theater Association & Actors Workshop Foundation; sa Pilipinas ako ay nagtrabaho sa teatro, telebisyon at pelikula. Ang pangarap ko ay gawin ko rin sa Italia ang dati kong propesyon, at natupad ang aking mga panalangin dahil ako ay napasama sa “ A Tutto Tondo”, kung saan gumanap at nangasiwa si Andrea Bosca, isang proyekto na isinagawa kasama ang Pyramid Entertainment Productions, na kung saan ang layunin ay ang makalikom ng pondo para sa mga bata at komunidad ng Smokey Mountain sa Tondo, Manila. Ilang taon bago gawin ang pelikula, bumisita si Andrea, kasama ng iba pang “organizers” sa siyudad ng Maynila, kaugnay ng Movie Mov Film Festival, at ng magkita kami dito sa Roma, nabanggit niya ang tungkol sa planong pelikula. Ang “short film” ay ipinakilala sa Movie Mov Italian Film Festival sa Maynila, sa Rome International Film Festival at sa iba pang lugar, ito ay nanalo ng premyo bilang “Best Short Film” sa Napoli Cultural Classic 2015, at ako ay nanalo bilang “Best Supporting Actor”, at “proud” ako dahil ito ay may kinalaman sa integrasyon, sa pagiging makatao at sa pakikipagkaibigan : lahat ay nagsimula sa pagsasama ng dalawang kultura.

Ang “Web Series” na Welcome to Italy ay pinamahalaan naman ni Terry Paternoster, isang napakalaking pagsubok para sa akin bilang isang actor at isang “tao” dahil sa proyektong ito ang bawat actor ay nanggaling sa iba’t-ibang parte ng mundo ( South America, Iran, Plaestine, Eritrea, Ucraine, Philippines at Italia)Ang cast ay binubuo ng pitong actor na galing sa pitong bansa upang lumikha ng isang web series na tumatalakay sa buhay ng migrante na nakatira sa ilalim ng isang bubong, bawat isa ay may kanya-kanyang kasaysayan, may paghihirap at pangarap, na nag-uudyok para sa isang integrasyon upang ang bawat kultura, relihiyon at “life style”ay mamuhay ng sama-sama at maigalang ang kaibahan ng bawat isa.

Ano ang mga susunod na proyekto?

Pagkatapos ng edisyon ng taong ito ng “Ginang Pilipinas Italia 2015”, nais kong magpahinga at maglikom ng energiya; umaasa na mapasamang muli sa isang panibagong proyekto sa pelikula, telebisyon o entablado. Hindi pa nagtatagal ng iwan ko ang huling “set” pero nararamdaman ko na ang nostalgia ng pag-arte.

Native

Articoli correlati